ako'y tao na merong gustong marating sa buhay...
hinangad kong makapag trabaho,
para kumita at mapalawak
ang kaalaman sa industria ng pinagtapusan sa kolehiyo.,
nakapag tiyaga na makahanap ng trabaho,
sa panahong ito swertihan lang makahanap ng trabaho..
at isa ako sa swerte,.
teka! subalit para yatang may mali!
ano itong nagaganap na hindi inaasahan,
dawa yata hindi ito ang nais kong mangyari..
sa bawat umaga na pagdating ko sa opisina
asahan ko na may nag aabang at nakapilang trabaho,
hindi nababawasan,
doble pa sa inaasahan,
subalit sweldo'y kakarampot!
tao ako!tao!
hindi isang robot na pag pinagawa ang lahat
ay matatapos ng isang iglap! tao po ako!
balang araw umaasa at nag aasam na matapos ang lahat ng ito..
naniniwala ako na ang lahat ng ito ay isang pagsubok..
walang ibibigay na pagsubok ang diyos
kung hindi natin kayang lagpasan
No comments:
Post a Comment